Huwebes, Disyembre 27, 2012

CHAMPAGNE SUPERNOVA



Matagal-tagal na din kaming magka-chat sa facebook at magka-text. Syempre, tulad ng karamihan, masaya sa umpisa. Andun lagi yung kilig at saya. Andun lagi ‘yung nagpupuyat kayong pareho para mag-usap sa phone hanggang sa ‘di na talaga kayang labanan ang antok. At sa umaga, pareho kayong nae-excite gumising para itext ang isat-isa.

Bata pa lang kami, magkakilala na talaga kami. Alam na naming pareho na iisa lang ang kulay ng dugo na nananalaytay sa aming mga katawan. Wala lang talaga kaming pagkakataon na maging malapit sa isat-isa noong mga araw na ‘yon. Kasi, bata pa ako. At sya naman e busy sa pag-aaral.  At siguro, hindi pa namin type ang isat-isa.

Hanggang sa nagtapos na sya ng High School. At umalis sa aming probinsya para mag-kolehiyo sa Maynila. Ako naman, aral pa rin.

May mga pagkakataon pa namang nagkikita pa din kami kapag bumibisita sya sa probinsya kapag bakasyon. Pero, wala lang yun. Kasi nga, wala naman talagang namamagitan samin noong mga oras na ‘yon. Pero, kahit kelan, ‘di ko kinaila na gwapo sya. Ang alam ko lang, meron akong konting paghanga sa kanya.

Hanggang sa Pareho na kaming nakapagtapos. Ako, sa High School. At sya naman, sa kolehiyo.

Holy week noon. Umuwi sya sa probinsya. Nagkaroon ng pagkakataong magka-inuman kami. Pero saglit lang. Malinaw pa rin sa aking alaala na hindi nya kinaya yung tagay at sakin nya pinaubos. Pakiramdam ko noon e naglapat ang aming mga labi dahil sa iisang shot glass lang ang aming ginamit.

Natapos na ang bakasyon. Balik na sa dating gawi ang karamihan. Bumalik na din sya sa Maynila para mag-review  para sa board exam. Ako naman ay nahuli lang ng isang araw. Kinabukasan ay kinailangan ko na ding iwan ang probinsya kung saan ko ginugol ang halos buong kabataan ko.


Isang nakakatamad na hapon. Walang magawa. Nami-miss ang mga kaibigang kasa-kasama sa mga tawanan at kalokohan. Ganun na lang. Text-text lang dahil masyadong malayo na ang distansya namin sa isat-isa. Hindi katulad dati na kapag ginustong uminom, foodtrip at swimming e ganun lang kadali.

Lowbat na ang phone. Gumawa na lang ng facebook account. Pagkatapos ay nag-add ng mga kilalang kaibigan. At isa sya sa mga inuna kong padalhan ng friend request.

Matapos ang ilang minuto e in-accept na nya ang friend request ko. Syempre, natuwa ako.
Hanggang sa nag-comment ako sa isa sa mga pictures na nakunan sa probinsya noong bakasyon kung saan nandun sya. Nag-comment din sya. Napahaba ang pag-uusap. Nakahalata na masyadong mahaba na ang comments kaya nag-pm na sya.

Mas lalo kaming nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap. May privacy na. Kasi kaming dalawa na lang ang nakakakita at nakakaalam ng mga usapan namin. At mas lalo kong napatunayan na bisexual nga sya. Hindi naman nya talaga direktang inamin. Syempre, naramdaman ko. Naramdaman ko yung interes nya sakin. Wala nang tanungan. Basta, alam na namin yun. Ang importante e okay kami.

Mas lalo pa kaming naging close. Nagkapalitan na ng number. Magka-chat na sa facebook, magka-text pa sa phone. Pero ramdam ko na noon na naguguluhan sya. Alam kong may pumipigil sa kanya. Hindi ko na lang inisip yun. Mas pinaniwala ko ang sarili ko na magiging matatag sya.

May mga oras din noon na sinasaway ko sya kasi nagtetext sya sakin kahit nasa review center sya. Ayoko kasi na ma-compromise ‘yung performance nya dahil lang sakin. Pero sabi nya, “Nurses multitask.”

Naguluhan na din ako. Kaya nilakasan ko ang loob ko.

“Can’t we go deeper?”

“What’s with that question?” sabi nya.

“What are we?”

Medjo nahiya din ako noon. Kasi baka tumanggi sya at lalabas na ako lang ang nag-a-assume na meron ngang kakaibang namamagitan samin. Pero, kelangan e. Kelangang maging malinaw ang lahat.

Hindi na sya nag-reply. Inisip ko na lang na baka iniwasan nya lang yung tanong.

Matapos kumain e lumabas ako at naupo sa labas ng bahay para mag-soundtrip. Nakatutok lang ako noon sa phone ko kasi inaabangan ko ‘yung text nya. Dahil wala talaga, binasa ko na lang ‘yung thread ng conversation namin sa inbox ko. OO, kinikilig ako noon. Syempre, maganda yung simula namin. May mga Malabo nga lang talaga kasi may mga tanong na dapat masagot. Kasi,  pano kung wala lang ang mga ‘yon? Pano kung ako lang talaga ang nag-a-assume? Pano kung ganun nga? Edi kawawa naman ako.

Nag-ring phone ko. Nakita ko pangalan nya. Sinagot ko.

“Hello?”

“Hello.”

“O, kamusta?”

“Eto, I’m sick. Medjo sinisipon. Umuwi na ako sa dorm.”

“Diba may review ka?”

“Okay lang yun. Ngayon lang naman ako nag-cut e.”

Marami kaming napag-usapan noon. Napunta sa mga kung ano-ano. Napunta sa favorite song nya na “Champagne Supernova.”

Medjo awkward lang talaga at korni ‘yun. Pero, ganun talaga, kapag in love ang isang tao, nagiging korni pa sa mais.

Hanggang napunta kami sa hanging question kanina. Napansin ko na sya naman yung naging assertive. At ako, natameme.

“What’s with your question kanina?”

“Yung ‘can’t we go deeper’ ba?”

“OO.”

“Pwede itext ko na lang?”

Patay. Natameme nga talaga ako. Pero gaya ng sinabi ko, dinaan ko na lang sa text.


“Yun nga, naguguluhan ako sa atin. Kasi pakiramdam ko na mutual lang ang feeling. Pero syempre,  gusto kong malaman mula sayo. Para maging malinaw ang lahat. Kahit naman ‘di kita tanungin e alam ko naman na Bi ka.  Kaya pareho tayong masaya sa isat-isa. “

“OO, Bi ako. Matagal na din kitang gusto. Lagi kitang nakikita sa probinsya at matagal na kitang gustong lapitan at kausapin. Nahihiya lang ako kasi baka kung  ano ang isipin mo. Medjo nahihirapan din ako kasi I’m still struggling with acceptance. Hindi alam ng family ko na ganito ako. At isa pa, malinaw na mali ito biblically. I’m happy I have you right now. Siguro I need time para malaman ko kung dapat ba nating i-pursue ito. Let’s start and see where it takes us.”

‘Yun nga. ‘Yun yung alam kong pumipigil sa kanya. Kasi, isa syang relihiyosong tao. Mabait at ayaw sa mga negatibong bagay-bagay. Pero, hindi kami nagpapigil. Tumuloy pa din kami. Mas lumaki pa ang na-invest na trust at love. Hanggang sa mas lalo pang naging korni. Tulad ng mga mag-syota, ‘di din kami nakaiwas sa pag-imbento ng term of endearment.

  “HUGS.” ‘Yan na yung naging tawagan namin mula noon….



Matapos maligo at makapag-bihis ay naupo muna ako. Hinihintay ko si papa kasi sya maghahatid sakin sa TUP para sa entance exam. Nainip ako at nag-radyo. Hindi ko namalayan na nag-dial na lang ako at saktong nasagot naman. Si mo twister ang sumagot. Tinanong kung ano ang meron. Sinagot ko naman. Natuwa ako kasi nakausap ko na naman Sya. Isa kasi Sya sa mga ini-idolo ko. Magaling magsalita e. At outspoken.

“Tara na.” Si papa.

Umangkas ako sa motor. Umarangkada. Tumigil saglit para mag-almusal sa isang fast food chain. Nag-usap kami. Inabutan ako ng pera. At tuloy ang byahe.

Matapos ang ilang minutong byahe, nasa harap na ako ng TUP. Bumaba at nagpa-alam na kay papa.

“Magtext ka lang kapag may kelangan ka.”

“Opo.”

Umarangkada na sya. Ako naman e pumasok na at inalam kung ano ang mga proseso para sa entrance exam. Hindi ko din alam kung bakit dun ako pinasok ni papa. Okay naman yung school. Hindi ko lang talaga gusto yung kurso sa umpisa pa lang.


Tinawag na kami isa-isa at pinapasok sa isang room. Nangangalay na din ako sa malaking bag na bitbit ko na may mga damit na pamalit. Magkikita kasi kami ni Hugs pagkatapos ng exam ko. At mag-i-stay ako sa bahay nila ng isang gabi. Sya lang naman ang nakatira dun kaya okay lang.

Nag-umpisa na. Medjo nakakainit lang ng ulo kasi nakakatamad sagutan yung ibang tanong. ‘yung iba kasi, hindi ko alam. Lalo na yung sa math. Bobo kasi ako sa mga numero. Pero kung pera na yan, saka lang ako tumatalino.

“Hugs? Tapos na exam ko. Nandito na ako sa SM Manila. Wait na lang kita.”

Mahigit isang oras din akong naghintay.

“Andito na din ako SM hugs. Asan ka banda?”

Na-excite ako. Nireply ko sya at naghintay.
At ayun, dumating na nga sya.

 Ang-usapan namin e kakain kami sabay ng lunch. At pagkatapos ay babalik sya sa review center at mag-i-stay ako sa SM para maghintay ng uwian nya sa hapon. Pero dahil sa matagal akong naghintay at gutom na e sinabi ko sa kanya na mauuna na akong kumain.

Nag-usap kami. Nagpakiramdaman.  Syempre, andun pa din yung hiya.

“Kumain ka na.”

“Sa dorm na lang.”

“E diba kelangan mo pang bumalik sa review center?”

“Okay lang ‘yun. Ngayon lang naman ako ‘di papasok e. At okay naman ang performance ko.”

“E diba nag-cut ka na din dati? Nung umuwi ka kasi may sipon ka?”

“Hayaan mo na. ‘Di ko naman hahayaan na maghintay ka dito. Tara na.”

Nakonsensya na naman ako. Ayaw na ayaw ko kasi na naa-apektohan ang mga bagay na may kinalaman sa mga pangarap nya. Ayaw ko na ako ang inuuna nya. Kasi kaya ko naman talaga maghintay e.

Pinilit ko sya na bumalik sa review center at maghihintay na lang ulit ako. Pero, hindi sya nagpapigil.

“Sa dorm na lang muna tayo. May mga damit kasi ako na kelangang kunin dun para malabhan sa bahay.”

“Sige.”

Sumakay kami sa jeep. Nagkwentuhan. May mga lugar sya na tinuro na madalas nya daw puntahan. Kinikilig ako noong mga oras na ‘yon. Kasi naaamoy ko ‘yung natural na amoy ng pawis nya at magka-dikit pa kami.

Bumaba. Naglakad papunta sa dorm nya. Pumasok, umakyat sa hagdan at pumasok sa kwarto nya. Dalawa ‘yung kama dun. Dalawa din ang electric fan. Dalawa kasi sila dun. Wala lang yung kahati nya sa kwarto kasi umuwi sa pamilya nya.

 Pero, ang mas nakapukaw sa aking atensyon e yung mga bible verses na naka-post sa dingding.

Relihiyoso nga sya. Pero umasa ako na magiging matatag nga sya.

Uminom sya ng coke. Uminom din ako.  Nag-usap kami. Hanggang sa mas naging seryoso na. Napunta na kami sa aming dalawa. Pinag-usapan kung ano ang meron samin.

 Hanggang sa nalunod na kami. Hindi na namin namalayan na naglapat na ang aming mga labi. Nag-umpisa sa mabagal hanggang sa bumilis. Pareho kaming uhaw. Noong mga oras na ‘yun, hindi ko naaninag sa kanyang mukha ang takot. Pinakawalan nya ang sarili nya. Inisip nya lang ‘yung totoong nararamdaman nya.

Nang tumagal, mas lalo kaming naging mapusok. Mas lalong naging malikot ang aming mga kamay. Kung saan-saan dumapo at kung ano-ano ang kinalikot.

Pero bigla syang natauhan. Bigla syang tumigil at niyapos na lang ako ng mahigpit. Doon ko ulit nakita yung takot sa kanyang mga mata. Wala na akong narinig. Pareho kaming nabingi. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.

Hanggang sa nakatulog sya. Gustuhin ko mang matulog din e hindi ko na ginawa. Mas pinili kong pagmasdan na lang  ang mga bagay-bagay sa paligid at lalo na si hugs. Kasi natakot na din ako. Naramdaman ko na pwedeng masira ang lahat any moment.

Nagising na sya.

“Hugs? Nakatulog ka din ba?”

“Hindi.”

Hindi na sya ulit nagsalita at niyapos na lang ako. Puro takot na ang naramdaman ko noong mga oras na ‘yon. Natakot talaga ako.

“Hugs, may-church activity pala kami mamaya. Sama ka ha?”

“Hindi na hugs. Wait na lang kita sa labas.”

“Sama ka na.”

“Okay lang ako. Wait na lang talaga kita.”

Nagpasya na lang ako na maghintay sa isang computer shop. Naglibang na lang ako. Kinalimutan ko na muna yung takot ko. Ayokong maging negatib. Magiging okay din ang lahat ang sabi ko sa sarili ko.

Matapos ang halos dalawang oras e dumating na sya. Naglakad ulit pabalik sa dorm. Nagkwento sya. Sinabi nya sakin na nag-confess  sya sa isa sa mga ka-church mate nya tungkol samin. Nahihirapan daw sya kasi mahal nya ako pero mali lang daw talaga ‘yung ginagawa namin.

Nag-empake. Nag-usap sandali at bago lumabas sa kwarto ay hinalikan ko sya. Tumugon sya. Naging mapusok din ang mga tugon nya. Parang walang katapusang uhaw ang nararamdaman ko mula sa mga labi nya.


Lumabas na kami. Naglakad hanggang makasakay sa jeep. Magka-usap habang nasa byahe. Bumaba. Kumain sandali. At sumakay sa tricycle.

Hanggang sa narating na namin ang bahay nila. Wala namang ibang tao kundi kami lang. Sya lang naman kasi talaga ang nakatira dun dati pa.

Naligo ako. Naglaba sya. Pagkatapos ay naligo na din sya. At tumabi sakin sa kama.
Inisip ko kung may mangyayari ba samin. Natakot ako. Kasi gusto kong may mangyari. At alam kong gusto nya din. Ayokong isipin lang ang sarili ko. At ayokong mas lalo syang lituhin o ilayo sa Diyos.

Pero, ganun talaga. Mahirap iwasan ang tukso. Pareho kaming naduwag. O siguro naging matapang. Kasi sinunod lang namin ang aming gusto. Kinailangan lang naming tugunan ang dapat matugunan.

We kissed passionately. Hands were touring around our bodies. It felt so good. And it all came down there. I sucked his dick and he sucked mine. And we reached the climax.


Natulog na lang kami pagkatapos.

 Kinabukasan, nag-usap kami.

 I made him choose.


……………… and He chose HIM.